wika at lipunan

Sunday, March 12, 2006

WIKA AT RELIHIYON


Ano ang Relihiyon?
Isang institusyong panlipunan na kumikilala sa pag-iral ng mga supernatural at banal na bagay sa daigdig at kinapapalooban ng konseptong Diyos. Itinuturing ding isang insturmento ng muling pagbabalik-loob sa Diyos sa pamamagitan ng mga kumbensiyonal na gawain at ritwal na nakaiimpluwensiya sa pag-iral ng isang indibidwal at sa kanyang paniniwala at pagpapahalaga sa mga bagay.

Prof. Jovy M. Peregrino
Verbo:Sakramentalisasyon ng Wika


Mga Relihiyon sa Pilipinas

Catholic 83%,
Protestant 9%,
Islam 5%,
Buddhist and other 3%

Source: www.infoplease.com


Wika ng Relihiyon

 Abstrakto o simbolikal ang wikang ginagamit
 Ang wika bilang tagakontrol
 Languange game ang wika ng relihiyon


Wika, Relihiyon at Lipunan

 Abstrakto o simbolikal ang wikang ginagamit ng relihiyon

Ang wika ng relihiyon ay non-cognitive. Ito ay itinuturing na walang katuturan, hindi lohikal, ekspresyon o isa lang itong asersiyon. Ang tinutukoy kasi dito ay isang bagay na maaaring hindi paniwalaan, laging pinagtatalunan o isang bagay na mahirap katigan o pasubalihan. Sa kaguluhang ito, idinadahilan naman na ang Diyos na tinutukoy dito ay hindi paksang katuwiran kundi pananampalataya

Dahil sa pagiging abstrakto nito pumapaloob ang relihiyon sa konsepto ng pilosopiya na metapisika.
Metaphysics is a branch of philosophy concerned with the study of "first principles" and "being"
Source: www.wikipedia.org


 Ang wika bilang tagakontrol sa lipunanang Pilipino

Nakikita ang kontrol ng relihiyon sa kayang mananampalataya sa pamamagitan ng wika dahil isinasabuhay ng mga tao ang wikang kanilang gingamit at ang kahulugang pumapaloob dito upang maging karapatdapat sa kanyang samahan at upang magkaroon siya ng kapanatagan ng pag-iisip.

Sa paggamit ng mga salita nagiging superyor ang Diyos. Hindi pantay ang pagkiling ng wika sa relihiyon dahil sa puntong kinikilingan nito ang katangian ng Diyos kaysa sa tao.

Nakokontrol ang tao dahil sa mga senyas at simbolo na nakakapagpaalala sa kanya ng mga konsepto tungkol sa kanyang relihiyon. Sa lipunang Pilipino, mayorya sa mga kasapi rito ay kabilang sa relihiyong Katoliko. Kaya naman, halos lahat sa atin ay tintingnan ang simbolong sa kaliwa bilang tanda ng pagsalba sa sangkatauhan ng kinikilalang Diyos.

Bahagi ng wika ang mga senyas at simbolong ito na nagpapa-igting ng pananampalataya.

Nakokontrol din ang wika sa pagbibigay ng identipikasyon sa isang particular na grupo, pagtukoy sa mga moral na gawain na dapat gawin ng isang indibidwal at values formation.

Nagagawa rin ng relihiyon na itakda ang mga klasipikasyon tulad na lamang ng kasarian, pagpapangalan ng mga bagay, kalagayan at marami pang iba.

Relihiyon bilang Instrumento ng Kaayusan at Kontrol

Isa ang relihiyon sa pinagmumulan ng pagpapahalaga ng mga mamamayan at pundasyon ng pagbuo ng mga kautusan ng isang lipunan o mas kilala natin bilang mga ‘batas’.
Sa relihiyong Katolisismo, mataas ang pagpapahalaga sa buhay kaya naman mahirap para sa lipunang Pilipino na tanggapin ang mga batas na tumataliwas sa pagpapahalagang ito tulad na lamang ng mga batas kagaya ng death penalty at abortion.

Maaaring makatulong ang relihiyon sa pananatili ng kaayusan at kontrol sa isang lipunan at vv. Ang relihiyon ay nakakapagpakilos at nakakapagpamobilisa ng lipunan upang maisagawa ng mga bagay na kailangan nila sundin bilang tugon sa kanilang mga katanungan. Nagagawa rin nitong mapagbuklod at mapaghiwalay ang isang bansa o isang lipunan.


 Language-game ang wika ng relihiyon

A language-game is a philosophical term of art developed by Ludwig Wittgenstein, referring to simple examples of language use and the actions into which the language is woven. The concept was intended "to bring into prominence the fact that the speaking of language is part of an activity, or a form of life
Source: Critical Thinking

Dahil sa pagkakaroon ng espesyal na gamit ng wika at pagkakaroon ng kani-kanilang kahulugan depende sa alituntunin ng partikular na relihiyon. Hindi mauunawaan ng isang taong walang alam sa doktrina na pinagkukunan ng mga salita (at mga simbolo na rin) ang wika ng isang partikular na relihiyon.

Ang wika at relihiyon ay parehong nagmula at pumapaloob sa lipunan. Nabibigyan ang mga ito ng kapangyarihan mula sa mga grupong lumika at gumagamit nito at matapos maging makapangyarihan ay nagiging maimpluwesya.

Sunday, March 05, 2006

wika at mga institusyon

WIKA AT MGA INSTITUSYON

Institusyon- istruktura at mekanismong sosyal para sa panlipunang kaayusan at kooperasyon, na gumagabay sa pagkilos ng dalawa o higit pang indibidwal
- nagmumula sa mga patakaran nito ang pagkilos

Organisasyon VS Institusyon
Organisasyon- entities sa lipunan na may mga miyembro, istraktura, awtoridad, hangganan
Institusyon- mga ideya kung paano dapat gawin at tignan ang isang bagay upang ito’y maging lehitimo.

WIKA AT MASS MEDIA
Mass- malaking grupo na may pagkakaiba at kalat-kalat
- ngunit dito, hindi tumutukoy sa lahat kundi sa may access lamang sa media

Media- mga teknolohikal na gamit para sa pagpapalaganap ng symbolic content

Mass media- mga teknolohikal na gamit para sa pagpapalaganap ng symbolic content sa isang malaking grupo na may pagkakaiba at kalat-kalat
(Janowitz 1968)

Relasyon ng Wika at Media:

1.) Ang wika ay ginagamit ng media sa pagbibigay ng impormasyon at depinisyon.
(gamit ng wika- komunikasyon)
2.) Ang wika ay ginagamit ng media upang lumilikha ng mga konstruksiyon ng realidad.
(wika-gabay sa panlipunang realidad)
3.) Ang wika ay ginagamit ng media upang magpahayag ng mga pananaw na magpapanatili sa status quo.
(wika-istrumento ng kontrol)
4.) Ang media ay likas na selektibo.
(wika ng pagbabalita- “walang pinapanigan”)
Mcluhan- The medium is the message
5.) Symbolic Violence- Hegemony
6.) Ang media ay posibleng konteksto ng pagbabago sa wika.


Maletzke’s Model of Mass Communication Process
Gerbner’s General Model of Communication

Konklusyon: Ang midyum ng media ay wika mismo. Ginagamit ng institusyong Mass Media ang wika sa pagpapatupad ng mga layunin nito.



WIKA AT EDUKASYONG PILIPINO

EDUKASYON (Kress, Gunther)
•Sosyal at kultural na prosesong bumubuo at nagsasalin ng pagpapahalagang kultural at sosyal na pakahulugan
•Institusyong panlipunang may pakahulugang linggwistikal
EDUKASYON (Constantino)
•Mahalagang gamit ng mga taong nagsisikap na magkamit ng ekonomiyang pag-unlad, pulitikal na pagsasarili, at pagbabagong kultura
•Paghubog sa mga mamamayang malay sa suliranin ng bansa at may pang-unawa sa solusyon at may sapat na pagmamalasakit at tapang upang iangat ang bayan
•Humuhubog sa paraan ng pag-iisip ng isang indibidwal
•Hindi lang pagkuha ng kaalaman kundi pagbuo ng isang indibidwal na magiging epektibo at kapaki-pakinabang sa sariling lipunan
•Nararapat na magbigay katiyakan sa national survival
ILANG MGA PROBLEMA SA EDUKASYON
•Kawalan ng kaugnayan ng pinag-aralan ng mga bata sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay
•Malaking porsyento ng mga batang tumitigil taun-taon
•Makakanluran at hindi tumutugon sa pangangailangan ng lipunang Pilipino
•Youth Civil Action Program (YCAP)
•Patakarang Edukasyong Bilinggwal
•Pagpapalit ng asignatura
KASAYSAYAN
•Panahon ng Kastila Bernakular
•Panahon ng Amerikano Ingles
•Panahon ng Hapon Niponggo & Tagalog
•Sa Kasalukuyan Bilingwal
INGLES BILANG WIKANG PANTURO
•Sa mga asignaturang English language, Science , at Math
•Naging wedge na naghihiwalay sa mga Pilipino sa kanilang nakaraan at naghihiwalay sa mga edukado sa mga hindi nakapag-aral
•Bagong wika at bagong paraan ng pamumuhay
•Pagkalimot sa sariling wika
•Ingles bilang wika ng demokrasya
FILIPINO BILANG WIKANG PANTURO
•Sa mga asignaturang Kalusugan, Araling Panlipunan, wastong pag-uugali, Pagpapalakas ng Katawan at Edukasyong Panggawain
WIKA AT EDUKASYON
Ang wika ay isang tool ng pag-iisip at pagkatuto. Sa pamamagitan ng wika nabubuo ang mga kaisipan at lumalalim ang pagkatuto na muling nagaambag sa pagdebelop o pag-unlad ng wika.